Seguridad sa filing ng CoCs bukas, tiniyak ng PNP

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa paghahain ng mga kandidato ng kanilang Certificate of Candidacy (CoC’s) na magsisimula bukas araw ng Lunes, Oktubre 1 para sa 2013 midterm elections.

Ang katiyakan ay inihayag ni PNP Spokesman Generoso Cerbo, dahil magpapakalat sila ng mga pulis na magbabantay sa bawat opisina ng Commission on Elections (Comelec) para siguruhing walang makapanggugulo sa paghahain ng CoCs.

Muli namang ipinaalala ni Cerbo sa mga pulitiko na huwag nang magdala pa ng kanilang mga private security officers at magdala na lamang ng kanilang mga taga-suporta.

Paki-usap din ni Cerbo na makipag-kooperasyon na lamang sila sa patakarang pinaiiral ng pulisya at Comelec para maging maayos ang kanilang pag-file ng CoCs.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply