Seguridad sa US Embassy sa Maynila, hinigpitan

HINIGPITAN ngayon ang seguridad sa Embahada ng Estados Unidos sa Maynila kasunod ng pag-atake sa US consulate sa Benghazi, Libya kahapon.

Ayon sa US Embassy, pinaigting nila ang seguridad sa buong paligid ng embahada dahil na rin sa posibleng muling pag-atake ng mga terorista lalo na sa mga konsulado ng US sa ibat-ibang bahagi ng mundo.

Mapapansin na nagpakalat ng maraming guwardiya ang embahada sa bisinidad at nagdagdag nang concrete barriers sa paligid ng gate ng US embassy.

Maging ang pila ng mga nag-aaplay ng US visa ay bahagyang inilayo na rin.

Ang hakbang na ito ay matapos na bombahin at sunugin ng mga demonstrador ang tanggapan ng Estados Unidos na ikinasawi ni US Ambassador to Libya Chris Stevens, information technology Sean Smith at dalawang iba pa.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply