Sekyu binurdahan, tigok

PATAY ang isang sekyu matapos pagsasaksakin ng palaboy sa Navotas kaninang umaga.

Namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center si Sosimo Rey Obena, 49 ng Vista Verde. Caybiga, Caloocan City, sanhi ng mga saksak sa katawan.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas Toto Flores, nasa hustong gulang at walang tiyak na tirahan.

Sa ulat, dakong alas-7 ng umaga nang pagsasaksakin ng suspek ang biktima sa Agora Market, North Bay Boulevard South ng lungsod.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa TMC.

Inaalam na ang dahilan ng pananaksak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply