Sekyu ng UP-Diliman namatay sa bangungot

NASAWI ang isang security guard ng University of the Philippines Diliman sa Quezon City makaraang bangungutin habang naka duty kaninang umaga.

Kinilala ni chief Inspector Rodel Marcelo, hepe ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), ang biktima na si Mervin Escuto, 25, may-asawa, security guard ng U.P. Diliman Campus, QC.

Ayon kay SPO1 Cristituto Saldariaga desk officer natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas 6:50 ng umaga kanina sa Triple E Building 2 ng UP Diliman, QC sa kahabaan ng Velasquez St., UP Campus.

Sinabi sa ulat na natagpuan ang bangkay ng biktima ng kasamahan nitong security guard sa binabantayang out post na wala nang buhay habang naka duty sa naturang unibersidad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply