Sekyu pinagsasaksak, kritikal

KRITIKAL na kundisyon ang isang security guard matapos itong pagsasaksakin ng hindi pa kilalang suspek na kumatok sa gate ng binabantayang gusali kaninang umaga sa Caloocan City.

Inoobserbahan sa Pres. Diosdado Macapagal Memorial Medical Center si Antonio Rositassi, 47, security guard ng Laging Handa Security Agency sanhi ng mga saksak sa bunganga at sa katawan.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek bitbit ang patalim na ginamit.

Ayon sa ulat, dakong alas 5:00 kaninang umaga ng maganap ang insidente sa tapat ng gate ng Placel Plastic manufacturing sa Tandang Sora, Brgy. 137, Caloocan.

Nabatid kay Arnolfo Nanonoy, kasamahang sekyu, na kumatok ang suspek sa nasabing gate at ng buksan bigla na lamang sinunggaban ang kanyang baril hangang sa magpambuno.

Lingid sa kalalaman ng sekyu nagbunot ng patalim ang suspek at agad siyang inundayan ng saksak sa bunganga at iba pang parte ng katawan.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo, habang isang manhunt operation ang inilatag ng pulisya laban sa suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply