Sekyu todas sa agaw armas gang

SABOG ang ulo ng isang security guard nang barilin sa ulo ng mga miyembro ng agaw armas gang sa Iloilo province kaninang madaling araw.

Dead on arrival sa Aleosan District Hospital (ADH) sanhi ng isang tama ng bala sa may kanang bahagi ng ulo ang biktimang si Judel Nunez, 20-anyos at residente ng Sto. Monica, Oton, Iloilo.

Tinutugis na ngayon ng pulisya ang mga suspect kasabay ng pagpapaalala sa publiko na maging mapagmatyag dahil tiyak na ang naturang grupo ay magkakasa naman ng panghoholdap.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong ala 1:20 ng madaling araw sa isang gasolinahan sa Barangay Binalud, Alimodian, Iloilo.

Bago ito, pinaniniwalaang nakatulog sa pagbabantay sa gasolinahan na binabantayan ng biktima kaya hindi nito naramdaman ang pagdating at pagkuha sa kanyang baril ng mga suspect.

Huli na nang magising ang biktima dahil binaril na siya agad ng suspect na may hawak ng kanyang sariling baril nang tangka niyang bawiin ang kanyang armas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply