Selective recruitment kailangan ng Navy

SA HARAP ng patuloy na recruitment ng Philippine Navy para sa karagdagang tauhan ay napakaimportante na mapili nang maayos ang mga taong maglalayag ng ating mga barko at magpapatakbo ng ating mga kagamitang pandagat.

Mahalaga ito hindi lamang dahil pag-aari ng taumbayan ang kanilang hinahawakan kundi ang mga ito ang siyang magsisigurado ng kaligtasan at seguridad sa ating karagatan.

Sa recruitment strategy ng ating Navy, isinasakatuparan ang selective recruitment o iyong focused recruitment.

Sa  ganitong pamamaraan ng pagpili ng mga tauhan, sinisigu-rado na ang mga kukuning mga personnel ng Navy ay iyong kailangan lamang ng Navy para sa operational needs nito.

Sa ngayon, dahil nakatakdang magkaroon ng mga makabagong kagamitan at barko ang Navy ay napakahalaga na may kaalaman o kasanayang teknikal ang mga pinipiling tauhan o iyong mga may potensyal na humarap sa mga gawaing teknikal.

Kamakailan lamang, ang Naval Personnel Management Center (NPMC), sa tulong ng mga Naval Reserve Units sa Bisayas at Mindanao, ay naglunsad ng malawakang information drive at mobile recruitment sa nasabing area upang tugunan ang pangangailangan ng Navy sa karagdagang tauhan.

“Earning while Serving”, ang naging tema ng recruitment sa nasabing lugar.

Ayon sa temang ito, ang desisyong sumali sa Philippine Navy ay isang matalino at ulirang career path hindi lamang dahil sa mga benepisyo at pribilehiyo sa Navy, kundi dahil na rin sa pagkakataong makatulong sa bayan.

Hindi sapat ang may tamang bilang ng mga tauhan lamang.

Para sa Navy, mahalaga na ilagay ang tamang tao sa tamang gawain upang masigurado ang epektibong operasyon at ang tagumpay ng misyon.

—ooo—

Isang malugod na pagbati sa mga tauhan ng Cavite Naval Hospital (CNH) sa pamumuno ng kanilang Commander na si Colonel Eulalio C. Eclipse Jr. para sa kanilang ika-58 na anibersaryo noong Setyembre 21, 2012 na may temang: “Katuwang sa Kalusugan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply