Selos dahilan nang hiwalayan nina Paolo Contis at Lian Paz

SABI na nga ba, hahantong o aabot sa matinding selosan ang bagong line of job ni Lian Paz bilang PR Consultant. Hindi siyempre mapi-feel ng kanyang mister na si Paolo Contis at ama ng kanyang dalawang anak ang kanyang line of work sa ngayon kung saan kailangan rumampa siya ng sexy para makahanap ng mga rich client na mapabibilang sa kanyang mga account. At dahil kilala rin naman dahil dating member ng sikat na all female dance group sa Eat Bulaga na EB Babes, nagtagumpay si Lian sa bagong field na pinasukan.

Kaya lang nagsa-suffer naman ngayon ang married life niya with Paolo na unti-unti na raw lumalayo ang loob sa kanya. Sabi, pinag-iisapan na raw ngayon ni Paolo ang makipaghiwalay kay Lian dahil sa matinding pressured sa kanilang pagsasama.

Pero, bakit naman? Hindi ba dapat kapag mag-asawa iniintindi at inuunawa ninyo ang isa’t-isa? Baka naman kaya kailangang magtrabaho ni Lian ay dahil sa kagustuhan lang nitong makatulong sa mister na actor lalo na’t mahirap ang buhay kung isa lang ang rumaraket.

Saka, as long as na wala namang ginagawang masama si Lian, anong masama roon? Ang solusyon riyan pag-usapan ninyo ng maigi ang lahat-lahat lalo pa’t may mga anak na kayo malay n’yo maresolbahan pa ang mga pinagdaraanaman n’yo ngayon. Be patient and understandable naman gyud! (Hiwalay na sila as of presstime at mag-isa na lang na magpu-provide sa kanilang mga anak si Lian! – Ed)

***

Neneng B TV commercial ni Sam Pinto with Michael V at Pepe Smith sikat na sikat na

NOW it can be told na kaya kaya parating niri-renew ang contract ni Sam Pinto para sa San Mig Light ay dahil naghi-hit talaga sa male fans ang TVC ng FHM No. 1 Sexiest Woman of 2011 and 2012, specially itong kasalukuyang umiereng commercial with Michael V and Pepe Smith kung saan ginamit sa nasabing TVC ang character ni Sam sa top-rating gag show na Bubble Gang bilang Neneng B na taga tanong ng “Bakit” sa mga pick up lines. Kahit saan nga kami magpuntang lugar, talagang sinasabayan nang hindi lang mga barako kundi pati ng mga bata ang nabanggit na latest commercial ni Sam.

‘Yung TVC naman ng maganda at sexy actress para sa isang brand ng shampoo with Heart Evangelista and Toni Gonzaga ay pinalalabas pa rin.

By the way, regular na napapanood si Sam sa Bubble Gang every Friday sa GMA 7 at tuwing Linggo naman sa musical variety show na Party Pilipinas. Kasama rin ang alagang ito ni Ms. Claire dela Fuente sa MMFF entry movie nila Bossing Vic Sotto, Sen. Bong Revilla at Judy Ann Santos na Si Agimat, Si Enteng At Si Ako from Imus Productions, GMA Films, M ZET, APT Entertainment at OctoArts Films. ‘Yung remake ng Angela Markado ni Hilda Koronel na pagbibidahan ni Sam na ipo-produce ng Viva at ng movie outfit ni Direk Carlo J. Caparas ay tuloy pa rin daw ayon kay Ms. Claire.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply