Sen. Cayetano dadalo sa pagdinig sa Senado

TINIYAK ni Senador Allan Cayetano na dadalo siya sa pagdinig na ipinatawag ni Senador Miriam Defensor Santiago laban kay DILG resigned Rico Puno ngayong araw.

Kinumpirma ni Cayetano ang kanyang pagdalo sa isang panayam sa radyo ngayong umaga.

Ayon kay Cayetano nagkumpirma rin na dadalo si Environment Secretary Ramon Paje.

Nauna rito, kinumpirma rin ni retired Lingayen Archbishop Oscar Cruz na dadalo sa  nasabing pagdinig sa Senado.

Hindi naman makakadalo ang maybahay ng yumaong DILG Secretary Jesse Robredo na si Leni Robredo dahil nagluluksa pa ang kanilang pamilya.

Wala pang balita kung sisipot sa pagdinig si Puno na nagbitiw sa tungkulin tatlong araw bago ang nakatakdang pagdinig.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply