Sen. Tito kahit binabatikos buong tapang na nanindigan

IBANG klase at kahanga-hanga itong si Sen.Tito Sotto na sa kabila ng maraming mga pagbatikos at pagkutsa na natatanggap niya mula sa kritiko nito, lalo na ang mga social media, ay hindi siya bumigay sa pressures mula sa mga taong gusto lang siyang pahiyain.

Aba’y bihira sa mga politiko ang kagaya ni Sen. Sotto dahil kalimitan sa mga politiko ay hindi sanay na  binabatikos at sinisiraan pero si Tito Sen ay hindi nagpatalo sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos ay nanindigan pa rin siya na sa tingin naman ng lahat ay tama ito.

Ultimo ang mga taong malapit kay Tito Sen ay nababahala sa nangyayari.

Gayunman, mahinahon pa rin siya at hindi nagpakita ng pagkabahala. Hanggang sa huli ay nagawa pa niyang mapatanggal ang ilang parte ng RH Bill tulad ng probisyon na pagpapahintulot sa post abortion complications at sa halip ay pinalitan ito ng salitang “ang anomang uri ng aborsiyon ay isang krimen.”

Dahil doon ay isa-isang pumayag ang mga senador gaya ni Sen. Pia Cayetano na isa sa mga proponent ng RH Bill na tanggalin ang isang probisyon na isama sa listahan ng mga essential medicines ng ilang family planning supplies at gamot na kabilang sa contraceptives.

Mismo rin si Senate Pro-Tempore Sen. Jinggoy Estrada na ang pagtanggal din sa mga probisyong tinutulan ni Tito Sen ang nakikita nilang ‘win-win solution’ para maisabatas ang naturang panukala. Ika nga kahit anong batikos ay hindi tatablan si Tito Sen lalo pa kung ang kanyang ipinaglalaban ay kapakanan ng karamihang kababaihan.

Pugad ng prosti sa Sta. Cruz

Star Coffee Garden na matatagpuan sa  Good Hope Hotel sa 2nd Floor ng Sta. Cruz, Manila ay pugad ng prostitution kaya dinarayo. (Itutuloy)

Anomang reklamo o puna  ay i-text lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo.com.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply