Sen. Trillanes pinatatahimik ni PNoy

PINATATAHIMIK na ni Pangulong Benigno Aquino III si Senator Antonio Trillanes kaugnay sa kanyang posisyon bilang back door negotiator sa China.

Sinabi ni Trillanes na mananatiling walang saysay ang binasa ni Senate President Juan Ponce Enrile na mga halaw umano sa notes ni dating Ambassador Sonia Brady habang walang inilalabas na dokumento.

Dismayado naman si Vice President Jejomar Binay sa nangyayaring bangayan nina Trillanes at Enrile.

Kasabay nito, ipinagtanggol ni Binay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario bilang isang masipag at action man.

Inihalimbawa nito ang personal na pagkilos ng kalihim sa Libya at Syria upang asikasuhin ang mga kababayang OFW.

Ang papel umano ni Trillanes bilang “backdoor negotiator” ay hindi nagtutugma sa opisyal na posisyon na dapat na magmumula kay Del Rosario.

Kung totoo man na tinawag ni Trillanes na “traitor” si Del Rosario ay hindi umano ito makatuwiran.

Umiwas namang magkomentaryo pa si Binay sa naging pagtatalaga kay Trillanes bilang negosyador.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply