Senador nagpatawag ng salo-salo para sa pagpapatalsik kay JPE

NAGPATAWAG ng isang salo-salo ang isang senador para pag-usapan ang pagpapatalsik kay Senador Juan Ponce Enrile bilang Senate President.

Ibinunyag ito ni Enrile sa kabila ng pagtanggi ng grupo nina Senador Franklin Drilon na mayroon silang nilulutong kudeta laban sa kanyang liderato.

Aminado si Enrile na may mga senador na hindi ‘happy’ sa kanyang panunungkulan bilang Senate President.

Kaugnay nito, binalewala ni Enrile ang umuugong na kudeta sa senado at sinabi nito na handa niyang ibigay ang senate presidency sa kung sinuman ang magnanais sa posisyong ito.

Una nang itinanggi ng Liberal Party ang ‘di umanoy niluluto nilang kudeta laban kay Enrile para iluklok bilang Senate President si Senador Ralph Recto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply