Senate probe sa P111B bridge project, PDEA fiasco tuloy kahit walang sesyon

BAGAMAT ngayong linggo na lamang ang session ng Kongreso para sa mahigit tatlong linggong bakasyon, kaliwat kanan pa rin ang isasagawang imbestigasyon ng Senado sa panahon ng session break.

Katunayan dalawang imbestigasyon ang itinakda sa darating na araw ng Lunes na kinabibilangan ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa kontrobersiyal na multi-billion bridge project ng dating pamahalaang Arroyo na inaakusahan ng katiwalian.

Sisimulan din sa Lunes ng Senate committee on public order and illegal drugs ni Sen. Gringo Honasan ang kontrobersiyal na pagkakasibak kay PDEA Deputy Director General for Operations Assistant Secretary Carlos Gadapan.

Batay sa legislative calendar, hanggang Setyembre 21 lamang ang session ng Kongreso at magbabalik ito sa Uktobre 8 upang bigyang daan ang filing ng certificate of candidacy ng mga kandidato para sa darating na halalan.

Sa huling araw ng session ng Kongreso bukas, tuloy ang pag-convene ng Commission on Appointments (CA) para isalang si incoming DILG Sec. Mar Roxas.

Ito ay sa kabila ng ginawang pagtutol ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na personal pang nagpadala ng sulat sa CA para i-veto, hindi lamang ang kumpirmasyon ni Roxas kundi ng lahat ng mga miyembro ng gabinete na hindi dumalo sa kanyang imbestigasyon laban kay resigned DILG Usec. Rico Puno noong Setyembre 14.

Pero ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, sakaling maharang ang kumpirmasyon ni Roxas bukas, maari pa rin itong makaupo sa pwesto sa pamamagitan ng ad-interim appointment ng Malacañang sa panahon ng session break.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply