Senior justices dinedma ang 3rd flag raising

HINDI pa rin dinaluhan ng mga senior justices ng Korte Suprema sa ikatlong pagkakataon ang flag raising ceremony tuwing Lunes na pinangunahan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ang tanging mga dumalo lamang sa saysaying seremonya ay sina Associate Justice Mariano Del Castillo, Roberto Abad, Jose Perez, Jose Mendoza, Bienvenido Reyes.

Kabilang sa mga hindi nagpakita sa flag ceremony ay ang anim na senior Associate Justices na sina  Antonio Carpio, Presbitero Velasco Jr., Teresita Leonardo De Castro, Arturo Brion, Diosdado Peralta aT Lucas Bersamin.

Wala rin  sa flag raising si Associate Justice Martin Villarama.

Ayon sa ilang kawani ng SC, hindi maaaring obligahin ni Sereno na dumalo ang mga justice sa flag ceremony dahil si Sereno ay bihira ring dumalo sa mga ginagawang flag ceremony noong hindi pa siya chief justice.

Matatandaang itinalaga ng Pangulo si Sereno bilang kapalit ni dating Chief justice Renato at na-bypassed sa  kanyang pagkakatalaga bilang chief justice ang 11  senior justices ng SC, itinuturing na pagsira sa nakagawian o tradisyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply