Serye ng media killings, nakababahala – Obispo

NABABAHALA ang isang obispo sa serye ng media killings sa bansa.

Sinabi ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Episcopal Commission On Public Affairs Chairman Caloocan Bishop Deogracias Yñiguez na nakalulungkot man ngunit maituturing na kultura na ang nasabing krimen dahil sa isyu ng moralidad.

Dahil dito, sinabi ni Yñiguez na pangunahing dapat tutukan ng simbahan ang pagpapahayag ng katotohanan na ang buhay ay dapat pinangangalagaan lalo na ang dignidad na nilikha ng Diyos

Sa kasalukuyan hawak pa rin ng Pilipinas ang ikatlong pwesto bilang may pinakatalamak na kaso ng pamamaslang sa mga mamamahayag sa buong mundo.

Ang datos ay base sa 2012 Impunity Index ng Committee to Protect Journalists (CPJ) na naka-base sa New York City.

Sinasabi rin sa nasabing ulat na ang corrupt at hindi epektibong criminal justice system sa Pilipinas ang dahilan kung bakit hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang 55 kaso ng pagpatay sa mga miyembro ng media nitong nakalipas na dekada.

Ilan sa patuloy na tinututukan ng CPJ ay ang Maguindanao Massacre noong 2009 na hindi bababa sa 30 mga mamahayag ang pinaslang gayundin ang pamamaril sa environmentalist at broadcaster na si Doc Gerry
Ortega noong 2011.

Itinuturing naman na ang pamamaril at pambubugbog kay Fernan Angeles ng Daily Tribune ang ika-12 biktima ng karahasan sa mga mamamahayag sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Nanguna sa listahan ang Iraq na 93 kaso ng pamamaslang sa mga miyembro ng media nitong nakalipas na dekada ang hindi pa rin natutugunan.

Pumangalawa ang Somalia at matapos ang Pilipinas ay pumwesto sa ika-apat ang Sri Lanka.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply