Sexy naman at may appeal rin: Sarah Geronimo bilang Darna, why not?

SA kabila ng tikom ang bibig ng ABS-CBN para sa big project nilang fantaseryeng Darna na gagawin raw this year o early next year, may bulung-bulungan na maliban kay Angel Locsin, nasa priority list rin ang name ni Sarah Geronimo.

May nag-suggest raw kasi na bakit hindi na lang si Sarah ang gawing Darna at tiyak na triple-triple ang aabutin ng success nito? Siyempre, novelty nga naman sa viewers na may mapanood silang bagong mukha na ga- ganap sa nasabing Pinay Heroine series.

Kung matatandaan, si BFFT Pete A. ang unang nagsulat na panahon na para i-try naman naman ni Sarah ang ibang role at di lang ‘yung puro pa-tweetums ang Pop Star Princess.

Mukhang pinakinggan naman si Amigang Pete ng kampo ng young singer/actress dahil sa top-rating Sunday musical vartiety show nito na Sarah G Live sa Kapamilya network, mga revealing outfits na rin ang kanyang mga isinusuot rito.

So, if ever na ang sikat na singer-actress/host na ang siyang maging final choice to portray the role of Darna, I think babagay rin sa daughter ni Mommy Divine ang sexy but wholesome outfit ni Darna.

And we suggest na si Bugoy Drilon na ang paganapin nilang Ding sa Mars Ravelo classic novel na ilang beses ng ginawan ng remake. This is it gyud!

***

The Buzz, hit na hit rin sa ibang bansa

HINDI lang pala rito sa atin sa Pilipinas number one at pinag-uusapan ang mahigit 13 years na sa ereng The Buzz na hosted by King of Talk Kuya Boy Abunda, Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga, and Beauty Queen Charlene Gonzales kundi maging sa iba’t-ibang bansa sa Asya, Amerika, Europa atbp., talagang nakatutok regularly sa The Buzz.

Papano, sabi pa ng kapitbahay naming balikbayan from Dubai, sobrang lungkot na mawalay ka sa pamilya mo at magtrabaho sa ibang bansa. So, isa raw sa nakapagpapasaya sa kanila ng ating mga kababayan roon ay ang panonood ng The Buzz tuwing linggo.

Rito, kahit wala raw sila sa ating bansa ay nalalaman nila ang mga latest news sa kanilang mga paboritong artista lalong-lalo na sa idolo ng babaeng nakausap namin na si Batangas Gov. Vilma Santos.

Nag-absent raw talaga siya sa work nang malaman niyang guest sa The Buzz ang favorite niyang si Ate Vi para mag-promote noon ng blockbuster movie niyang The Healing under Star Cinema.

Ang malaking factor pa kung bakit mas pinipili ng marami nating kababayan ang nabanggit na show ay dahil rito ay instant na nasasagot lahat ang mga isyu at intriga na kinasasangkutan ng mga bigating Kapamilya stars.

Sabi, ang The Buzz ang show na wala ka nang hahanapin pa.

So, tulad nila, para hindi mabitin always watch The Buzz from 4:00 pm to 6:30 pm after ito ng LUV U sa ABS-CBN 2.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply