Shabu queen ng Mindanao arestado

TINATAYANG nasa milyong piso ang halaga ng shabu na nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency–Region 13 (PDEA-R13) sa tinaguriang shabu queen ng Mindanao sa ikinasang buy-bust operation sa Butuan City.

Kinilala ni PDEA Undersecretary Director General Jose Gutierrez Jr, ang inaresto na si Emily Unti, nasa hustong gulang, naninirahan sa isang alyas Ate Lungga sa Montilla Blvd., ng lungsod.

Base sa report ni Gutierrez, matagal nang nasa watch list ng PDEA R13 ang suspek na kilalang tulak ng ipinagbabawal na droga sa lungsod.

Sa report, nabatid na isang impormante ang nagtimbre sa tanggapan ng PDEA-R13 ukol sa mga iligal na aktibidades ni Unti sa naturang lugar at agad na naglatag ng buy-bust operation upang masakote ito.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Section 5, article II Republic Act 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek na nakapiit na ngayon sa detention cell ng PDEA-R13 .

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply