Shipment ng baril sa South Harbor, pinabeberipika ni Biazon

INIUTOS na ni Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon na iberipika ang umano’y ulat na pagpasok ng libu-libong piraso ng baril sa bansa.

Ayon kay Biazon, kanya nang ipinag-utos ang pagkuha ng gun importation record ng BOC mula sa buwan ng Enero 2012 hanggang sa kasalukuyan.

Ito ay matapos na mabulgar ang umanoy pagdating ng may 28,000 piraso ng baril ng kompanyang ‘Trust Trade’ sa Manila South Harbor sa Maynila.

Iniimbestigahan na rin ng BOC ang background ng Trust Trade .

“Kailangan din naming tignan yung history ng kompanya kung may shipment silang pumaso,” sabi ni Biazon.

Nauna na ring inatasan ni Biazon ang kanyang mga tauhan na mahigpit na bantayan ang anumang pagpasok ng armas sa bansa lalo na ngayong nalalapit na ang 2013 midterm elections kung saan posibleng gamitin sa dahas ng mga pulitiko.

Aniya, dapat magkaroon muna ng clearance ang mga gun importer mula sa Office of the Commissioner bago tuluyang makapasok sa bansa.

Kaugnay sa pagbulgar sa nasabing shipment, lumalabas din umano na sangkot sa gun deal si DILG Usec. Rico Puno.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply