Shocking asia ang mga nasusulat kay Bea Binene!

TODO tawanan talaga ang inihahatid ng barkada ng longest running gag show on national television na Bubble Gang!

Lilipad talaga kayo sa katatawa sa mga inihahandang gags and spoofs nila kasama ang iba’t-ibang guest personalities every week.

Maghanda na sa pagbabalik ng nag-iisang Mr. Assimo kasama ang kanyang driver.
Sino na naman kaya ang mabibiktima ng nagmamaasim na Mr. Assimo?

Tiyak na maaaliw kayo sa mga eksena ni Diego every week na lagi na’y nag-i-elicit ng walang humpay na tawanan. Mukha palang daw kasi at wala pang dialog, tunay na nakaloloka na. Hahahahaha!

Sumayaw at mapaindak sa kakaibang duo ng Moymoy Palaboy habang binabanatan nila ang personalidad na nili-lip-synch nila every week na last Friday ay ang all-time favorite girl group na Spicegirls ang kanilang binanatan.

Siyempre pa, lagi na’y pinakaaabangan ang pick-up lines ng nag-iisa at hindi pa rin mapatumbang si Boy Pick-up kasama ang eskalera ang byuting si Neneng B.

Mas marami pang tawanan at kalokokan ang tiyak na inyong kagigiliwan.

Makisaya sa buong barkada ng Bubble Gang tuwing Biyernes ng gabi pagkatapos ng Inside Story sa GMA 7.

000

SUGOD na mga Kapatid sa auditions para sa pinakabagong game show ng TV5-ang The Million Peso Money Drop!

Pumunta lang sa TV5 Broadway tuwing Linggo. Magsisimula ang registration sa ganap na ika-siyam ng umaga (9 am).

Bukas ang auditions sa lahat ng pares ng magkakakilala. Maaring magkasamang mag-audition ang magkaibigan, magkamag-anak, magkapit-bahay, magkaklase, at iba pa na may edad 18 hanggang 60 years old.

Kailangan lamang magdala ng mga sumusunod: Dalawang (2) valid IDs, isang (1) 2×2 picture ng kanilang sarili, original NBI clearance, birth certificate at medical certificate.
Magdala rin ng kopya ng inyong mga resumé.

Huwag nang mag-atubili! Humanap ng kasama at pumunta na sa The Million Peso Money Drop auditions sa TV5 Broad- way ngayong Linggo.

000

ANG tindi ng mga nasusulat lately kay Bea Binene.

Siguro nga’y misunderstood lang ang anak ni Mommy Carina Binene kaya parang nega na tuloy ang dating niya sa working press.

Siguro nga’y nahihiya na lang si Bea sa mga nasusulat tungkol sa kanya kaya mas gusto na lang niyang manahimik kaysa magpa-interview pa lalo na’t mukhang tumitindi ang pagkaka-link sa kanya sa iba’t ibang politiko na supposedly ay nagkaka-trip raw sa kanya.

Ang mga ganitong mga bali-balita ay nakasasakit siyempre sa damdamin ni Bea at para makaiwas sa mga pang-iintriga ng iba riyan, parang nag-clam up na lang tuloy ang bata na mistaken for indifference or hauteur.

Oh, well, sana’y matapos na ang mga intrigang ito sa batang-batang aktres para maging at peace naman ang kanyang mabait na ina.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply