Si Ate Vi at STL bookies

KUNG sa kasalukuyan ang pamahalaang Aquino ay magpapatimpalak sa mga lalawigan na ang basehan ay tungkol sa pamamayagpag ng lahat ng uri ng  iligal, partikular ang sugal, siguradong runaway winner ang Batangas.

Bakit kanyo? Aba eh, banggitin mo na lahat ang kailigalan, simula drug trafficking, paihi at buriki operations hanggang sa mga iligal na sugal, tulad ng jueteng – diyan mo matatagpuan sa probinsya ni Gov. Vilma Santos–Recto.

Ang tanong – bakit nga ba buhay na buhay ang iligal sa lalawigang ito? Simple lang ang sagot – walang political will ang mga alkalde ng mga lungsod at bayan ng northern part ng Luzon na ito, sa pangunguna ni Gov. V.

Kung may political will nga ang mga lider na ito, sana’y walang korap na mga pulis na patuloy na kumukunsinti sa operasyon ng mga iligal na namamayagpag ngayon sa lalawigan, kapalit, siyempre ng lagay o tongpats.

Ika nga ng mga nakausap ng Chokepoint na Batangueño, ala-eee, batid naman daw ni Ate V. at S/Supt. Rosauro Acio ang operasyon ng mga iligal sa Batangas, pero ‘di naman sila kumikilos para mahinto ang mga ito.

Tulad na lang ng operasyon ng Small Town Lottery na ‘ligal’ sa ba-tas, subalit patuloy na binabaluktot ng mga bookies operator. ‘Di naman – anila – makapag-o-operate ang bookies kung ayaw ni Ate V. at Col. Acio.

Ginagawang halimbawa ang bookies operation ng tinawag nilang lady gambling lords na sina Minda at Nene na ang sentro ng galaw ay ang mga bayan ng San Pascual  at Bauan, ngunit ang operasyon ay ang buong lalawigan.

Ang mga kubrador at kabo nina Minda at Nene ay makikita at ma-sasalubong daw kahit saang sulok ng Batangas, maging sa mga police stations ay nangongolekta ang mga ito ng taya sa mga pulis, pero ‘di naman daw hinuhuli.

Sa Brgys. Galamay-Amo, Dagatan at Lalayat naman sa bayan ng San Jose ang rebisahan ng taya ng isang Alias Ineo at isang Alias Indo ngunit ang iti-nuturong pinagdadalhan ng kubransa ay isang Alias Kapitan Noel.

Sa bayan ng San Juan ay ang magkasosyong Kap. Nel-son at isang Alias Fres ang nag-papatakbo ng bolahan ng STL bookies sa Brgy. Bantilan at ang ipinanakot ng mga ito ay isang alkalde na kasosyo nila sa kanilang bookies.

Ipinangangalandakan naman nina Ineo, Indo at Kap. Noel ang pangalan ni Mayor Tiquio Briones at sinasabing kasosyo nila ang alkalde sa kanilang illegal na operasyon ng STL bookies sa bayan ng San Jose.

Kaya naman maging si San Jose Police Station Commander Chief Inspector Eduard Padilla Mallo ay amen lang ng amen sa tatlong bugok na ito. Totoo po ba ito San Jose Mayor Eutiquio Briones?

Sa mga binanggit nating mga bookie operators na ito,  ano ang ginagawa nina Ate. V at Col. Acio. Ang masasabi naitn eh, may nakaamba nang jueteng probe, pero napakalakas pa rin ang loob niyong mag-operate ng iligal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply