Pakaso-kaso dahil sa eleksyon matatalo

ILANG araw na lang ay simula na ng pagsasampa ng mga kandidatura ng mga politiko sa darating na halalan. Ito Ang Totoo: Oktube 1 – 5, 2012 ang “filing” ng “certificates of candidacy” bagama’t sa Mayo 13, 2013 pa ang halalan.

Bunga ito ng “computerization” ng eleksiyon para maimprenta nang maaga ang pangalan ng mga nagsampa ng kaniya-kaniyang kandidatura, mula sa konsehal ng bayan, bise mayor, mayor, provincial board member, vice governor, governor, congressman hanggang sa senador.

Amoy pulitika na ang simoy ng hangin, parang pasko na pilit ibine-benta nang maaga ng mga nagsasamantalang negosyanteng gustong magkamal ng sandamukal na pera.

Isang senyales ng pagpasok ng panahon ng pulitika ang mga sampahan ng “kaso rito -kaso roon,” mga kasong ‘di maintindihan kung may batayan o maniobrang pulitika lang.

Kung bakit kasi na sa hinaba-haba ng panahon bago ang eleksiyon, kapag palapit na ang “filing” ng kandidatura ay saka isinasampa ang mga kaso. Ito Ang Totoo: ang ganitong estilong bulok na pagsasampa ng kaso kapag sampahan na ng kandidatura ay umaalingasaw na gawa ng mga bobong namumulitika.

Ito ang nakikita natin sa kasong “plunder” na isinampa umano ng isang abogadong Rey Bagatsing laban kay Zambales Gov. Hermogenes “Jun” Ebdane, Jr. P500 milyon daw ang nawala sa lalawigan sa kan-yang patakaran sa mga minahan kaya “plunder” ang kaso laban kay Ebdane. Eh mas maraming minahan sa Zambales sa panahon ng mga naunang gobernador ng Zambales bago si Ebdane pero bakit siya lang ang kinasuhan?

Hindi pangkaraniwang politiko si Ebdane dahil malawak ang kanyang karanasan sa maraming larangan hindi lamang sa lokal kundi lalo na sa pambansa o national.

Ang dating hepe ng Philippine National Police, Defense Secretary, Public Works Secretary, sa DILG, etc., at Philippine Military Academy graduate na si Ebdane ay may organisado at matalas na kaisipan at kakayahan kaya naman naayon sa islogan niyang “Sulong Zambales, Arangkada Zambaleño,” walang kapantay ang kanyang accomplishments sa unang dalawang taon pa lang na panunungkulan.

Ito ang isang dahilan kung bakit kailangang siraan sa mata ng bayan si Ebdane ng mga politikong desperado na manalo sa darating na halalan.

Ito Ang Totoo: hindi bulag o tanga ang mga Zambaleño para maniwala at madala ng simpleng paninira. Naniniwala tayong sa takdang panahon ay huhusgahan ng mga Zambaleño ang usaping ito at lalabas ang katotohanan kung sino ang nagsasabi ng totoo. Ito Ang Totoo!

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply