Si PNoy, Rico Puno at mga dokumento

PARANG apoy ang usapin nga-yon (sa kaso) ni Interior Undersecretary Rico Puno. Iba’t ibang aksyon at reaksyon, pati na mga persepsyon ang bumabalot sa kwento ng pagtungo ni Usec. Puno sa condo at opisina ni yumaong DILG Sec. Jesse Robredo sa araw mismo ng pagbagsak ng eroplanong sinakyan nito.

LALO pang uminit ang isyu nang aminin ni Pangulong Benigno Aquino III na siya ang nag-utos kay Usec. Rico na puntahan ang bahay at opisina ng namayapang si Robredo. Bakit? Ano ang dahilan na ora mismo ang gina-wang paglusob ni Puno sa utos ni G. Aquino. Inamin ito ng Pangulo mismo, ha, para kubkubin ang bahay at opisina ni Ka Jesse? Ano ang meron doon? Dokumento ba o ‘yung itim na bag? Malaman yun!

KUNG ibabatay sa report ng ating kaibigan na si Anthony Taberna ng ABS-CBN na kilalang yellow media network (at kakampi ni dating Department of Science and Technology at papasok ngayon bilang Kalihim ng Interior Department), ‘yun daw mahahalagang dokumento ang pilit hinahanap dahil nakasaad doon ang mga imbestigasyon at mga taong sangkot sa iligal na gawain ng ilang opisyal sa gobyernong Aquino. Ang mga sangkot na tao umano ay closest to the close kay PNoy na para bang mga espesyal na tao’t tunay na sanggang dikit ng Pangulo.

ISA sa mga itinuturo ng  dokumento ang malalang perahan sa iligal na aktibidad sa pangunguna ng jueteng. Nariyan din ang sobrang presyo sa mga binili at bibilhin pa na mga baril para sa ating Pambansang Pulisya. Matindi rin ang im-bestigasyon na gagawin sana ni Robredo laban sa illegal loggers at mga opisyal ni PNoy na sangkot sa malayang operasyon katapat ang multi-milyon na payola para hindi masita ang malawakang pagsira sa mga bundok at gubat.

ALIN man sa mga ito na na-kalagay sa dokumentong hawak ni Robredo, totoong mas malala ang nangyayaring korapsyon ngayon kaysa nagdaang administrasyon.

Katulad na lang ng ibinulgar kamakailan ni COA chair Grace Pulido Tan tungkol sa garapalang paglaspag ng pera ng bayan mula sa pondo ng Bureau of Customs (BOC) at DSWD. ‘Yung sa Cus-toms, naglabas sila ng bilyon-bilyong pera sa posturing “Tax Refund” daw sa mga negosyanteng may interes sa Customs.

Sa DSWD, nakita ng COA na dinaya ng DSWD ang pagpapaka-wala ng pondo mula sa Conditional Cash Transfer (CCT) ng humigit kumulang sa P4 bilyon! Nakapagtataka nga lang, sa halip na iutos ang imbestigasyon, binaril agad ito ng Malacañan at tila ibong lumilipad, kung kumana, patay na!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply