Si Rhian Ramos ba ang tinutukoy na girl na ‘third party’ sa hiwalayang Paolo Contis at Lian Paz?

MALIBAN sa usaping pera kung saan hindi raw siya pinapahawak nito ni Paolo Contis, naging puzzle sa mga inimbitahang entertainment press kung sino ba ang girl na tinutukoy ni Lian Paz na text nang text sa kanyang ex husband na si Paolo at ama ng kanyang two cute daughters.

Sabi, sikat at controversial young actress ito na kasamahang host ni Paolo sa “Manny Many Prizes” ni Boxing Champ Cong. Manny Pacquiao na madalas ma-involved sa love scandal.

Dahil may show ang Manny Many Prizes sa Amerika, kasama siyempre ng actor (Paolo) roon ang babaetang ito na inaakasuhang homewrecker ng iba. Well, kung pagbabasehan natin ang identity ng sinasabing young actress ay malamang na siya ay si Rhian Ramos na sanay na sanay nang makabit ang pangalan sa iba’t-ibang Kapuso actors.

Yes, after JC de Vera, na-involved si Rhian kina Akihiro Sato, DJ Mo, latest boyfriend si KC Montero at ngayon, kay Paolo.

‘Yung sa kanila ni Richard Gutierrez at Dingdong Dantes walang kompirmasyon dahil hindi naman napatunayang true. If ever na si Rhian nga ang talagang third party sa nangyaring hiwalayan sa pagitan nina Lian at Paolo, ano kaya ang masasabi rito ng kanyang Papa KC na wala raw ginawa kundi tila asong bubuntot-buntot sa syotang actress.

We need to be englightened, girl, so speak up gyud!

***

Bela Padilla, super daring sa kanyang first solo teleseryeng Magdalena  

BALE closed door ang nangyari sa recent pictorial para sa first solo Teleseryeng Magdalena ni Bela Padilla sa GMA 7. Super sexy and revealing kasi ang outfit ni Bela, ganon na rin ng kanyang tatlong leading-men sa serye led by Dion Ignacio, Ryan Eigenmann and Pancho Magno.

Napanood na rin ang trailer nito na madalas i-plush sa TV screen at hanep ang eksena kung saan nagsasayaw sa club si Bela na nang-aakit ng customer. Sino kaya sa tatlong actors ang masusungkit rito ng mahusay na actress na alaga ni Ms. Claire dela Fuente?

Well, isa lang ang aming masasabi, big break talaga ang Magdalena para sa career ng young actress at magpakita man siya ng kaseksihan sa nasabing project ay hindi lang ‘yan ang mabibigyan ng atensiyon ng televiewers kundi ang kanyang acting powers.

Malapit ng umere ang Magdalena na bale magiging kapalit sa rating afternoon timeslot ng Faithfully sa Dramarama sa Hapon ng GMA 7.

‘Yung Colt 45 TVC ni Bela along with Cheska Litton and Denise Laurel ay malakas rin ang feedbacks at marami ang nakapansin sa presence rito ng pamangking aktres ni Robin Padilla.
May arrive na gyud!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply