Silang mga lalaking huthutero ng mga bading!

NASA mga blind items ang affair ng isang may asawa ng aktor at isang bading na fashion designer. Marami raw ang naiinggit na laging magkasama at magkadikit ang dalawa. One plus one raw, equals two. Meaning, kabit ni bading si aktor. Or two plus two equals four, hinuhuthutan ni aktor si bading.

Time ang again, paulit-ulit na ang mga ganitong kuwento sa showbiz. Ilang sikat na aktor na ba ang natsismis na kabit ng bakla, hindi na mabilang.

Hindi na kami magba-blind item ng marami pang mga aktor, suffice to say na sa biz na ito, naglipana ang mga baklang kasing dami ng mga lalaking nanghuhuthot ng mga bakla.

Kumbaga, maraming patay na karneng masisila, pero marami ring buwitre ang nag-aagawan.

Next time, we will center one by one sa mga affairs involving mga fashion designers at ang mga lalaking pabo- rito nilang um-umin.

So there!

***

Ipinagmamalaki ni Mocha…
‘Hindi ako bayaran, hindi ako pokpok!   

ISA sa pinaka-daring sa showbiz si Mocha Uson.

Naghubo’t hubad ang singer-actress sa kalalabas pa lang na isyu ng Playboy magazine.

Bagamat kasama niyang nag-pose ang iba pang miyembro ng grupo nilang Mocha Girls, si Mocha lang ang nagpakita ng kanyang kaselanan.

Hindi na nag-inarte pa ang tumatayong lider ng all-female group at talagang ibinuyangyang ang kanyang private part sa isang pahina ng naturang babasahin.

Sabi niya, wala raw siyang pag-aalinlangan na tinanggap ang paghuhubad sa naturang magazine.

“Alam mo kasi pag ang tao, malinis ang konsensiya niya, malinis ang isipan niya, wala siyang inhibition, free… free ka lang.”

“Malaya ka lang, wala kang malisya sa pag-iisip mo.”

Pero may nagsasabing bastusin ang beauty ni Mocha.

“May respeto naman ako sa aking sarili, kahit ganito lang ako, hindi ako pumapatol sa mga indecent proposal.

“Kaya may lakas ako ng loob na magpakita ng katawan, maging liberated, kasi hindi naman ako pumapatol sa mga malisyosong mga bagay.”

Nakaranas na ba siya ng pambabastos sa mga lalaki dahil sa tapang niyang maghubad?

“Oo,” mabilis na tugon ni Mocha.

“Maraming beses na, kaming mga girls.”

“Kasi alam mo, kahit naman nakadamit ka, kung bastos ang tao, babastusin ka talaga.”

So, kami, we’re just doing our job.

“This is part of our job, nae-enjoy namin na ipinapakita namin ang hard work.

“Nagwu-workout kami, hindi kami kumakain ng rice.

“So, ipinapakita lang namin yung mga pinaghirapan namin sa katawan namin.”

May nasaktan o nasampal na ba si Mocha sa mga dahil sa pambabastos sa kanya ng mga lalaki?

Sabi niya, “A, wala pa naman.”

“Pag sinasabihan ako ng pokpok, sinasabi ko na, ‘Hindi ako nagpapabayad kaya hindi po ako pokpok.’

“Hindi naman ako nao-offend, kasi hindi naman totoo yun.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply