Simbahang Katoliko bukas makipagdayalogo sa Palasyo sa RH Bill

NAKAHANDA pa rin ang Simbahang Katolika na makipagdayalogo sa Malakanyang hinggil sa usapin sa Reproductive Health (RH) Bill.

Sinabi ni Retired Archbishop Oscar Cruz na bukas ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na pag-usapan ang naturang sensitibong usapin.

Nauna nang inihayag ng Palasyo na nananatili ang posisyon ng Pangulong Noynoy Aquino na ibigay sa mag-asawa ang kalayaang pumili sa pagpaplano ng kanilang pamilya tulad ng paggamit ng contraceptives.

Samantala tiniyak naman ni House Majority Leader Neptali Gonzales II na hindi sila papayag na mauwi sa wala ang nasimulan sa kontrobersyal na Reproductive Health Bill (RH Bill).

Dahil dito, nakahanda ang House leaders na gugulin kahit ang kanilang session break para lamang makabuo ng options para sa pagsulong ng naturang panukalang batas.

Kabilang sa plano ni Gonzales ang pakikinig sa panig ng mga obispo na kilalang RH Bill critics.

Hangad din ng House official na matulungan sila ng mga obispo na kumbinsihin ang mga kasamahan nilang mambabatas na mas mahigpit pa sa mga taong simbahan sa pagharang sa naturang panukalang batas

Tiwala naman ang majority leader na bagama’t gitgitan ang laban ngayon sa Senado ay makahahanap din ang mga senador ng solusyon sa tinaguriang deadlock dahil sa 10-10 possible votes, habang tatlo lamang ang hindi pa nakapagpapasya para sa isyu ng responsible parenthood o RH Bill.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply