Sina Daniel Matsunaga at Eula Caballero na!

HINDI man lang nagdalawang isip si Bella Padilla nang bigyan siya ng medyo offbeat role pero bida naman sa GMA 7 afternoon soap na Magdalena. Katwiran ni Bela ay maganda ang istorya at talagang acting vehichle ito para sa kanya.

Matagal ring pinahinog ng GMA si Bella bago isinabak sa isang big role via Magdalena. Bidang-bida ang alaga ni Ms. Claire sa soap na ididirek ni Gina Alajar. Makatatambal rito ng young actress si Dion Ignacio.

Sabi ng headwriter ng soap,  hango sa isang comics ang istorya pero binago nila ang trabaho ng bidang si Bela. Dati’y isang GRO ang babae o babaing bar girl pero sa panahon ngayon ay usung-uso ang tawag na escort girl.

Ganon pa rin ang kahulugan nito, istorya ito ng mga babaing nagbibigay ng aliw sa mga kalalakihan.

Bakit napasok ni Bella ang ganitong trabaho ay sasagutin ng kwento na magsisimula na sa October 8.

000

NAIIBANG Sunday para sa Manny Many Prizes ngayong Sunday dahil mamimigay ng walong milyong piso ang programa sa mga masusuwerteng sumali sa Kapuso Milyonaryo promo ng GMA 7. Ngayong Sunday ang grand draw ng contest na gagawin sa show ni Rep. Manny Pacquiao. Kasamang panauhin si Michael V.

Libu-libo ang sumali sa contest na nagpadala ng kanilang entries. Pito ang mananalo sa Kapuso Milyonaryo promo. Sa live audience ni Manny, kukuha ng isang contestant para manalo rin ng isang milyon para sa Larong Easy Money.

Tutulong sa contest si Pepito Manalo aka Michael V sa MMP show ni Pacman na mapapanood simula 2:45 p.m. pagkatapos ng Party Pilipinas.

000

SI Eula Caballero ng TV5 ang bagong pag-ibig ni Daniel Matsunaga. Bale si Eula ang bagong babaing nagpatibok ng puso niya pagkatapos silang maghiwalay ni Heart Evangelista na naging dahilan ng biglaang pag-alis ni Daniel sa Kapuso network at lumipat sa TV 5.

Usap-usapan kasi sa set ng Third Eye ang napaka-obvious na chemistry ng dalawa. Pati sa Game ‘N Go kung saan co-host si Daniel at miyembro ng Game ‘N Go Gang si Eula ay nakikitaan rin daw ng kakaibang aura ang dalawa. Madalas kasing nakikita silang nagchi-chikahan sa backstage at tuwing may breaks. Parehas namang single ang dalawa sa ngayon kaya kung may namamagitan, why not?

At least ngayon ay nakalimuntan na ni Daniel si Heart kahit araw-araw ay napanonood niya ito sa Luna Blanca ng GMA 7.

Pero kapag tinatanong namin si Heart kay Daniel kapag dumadalaw kami sa set ng Luna Blanca, sinasabi nitong friends pa rin sila diumano dahil magkaibigan naman sila nang nagkahiwalay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply