Sinaniban na kelot todas sa exorcism

TODAS ang isang binata sa ikinasang exorcism ng isang albularyo makaraang saniban umano ng masamang espiritu ang una kaninang umaga sa Isabela.

Hinihintay naman ang resulta ng awtopsiya sa bangkay ni Rogelio Aquino, 19, ng San Fermin, Cauayan City para malaman ang dahilan ng tunay na pagkamatay nito.

Habang hinihintay ang resulta ng awtopsiya, pansamantalang pinigil ng pulisya ang nagkasa ng exorcism na si Cristobal Hernandez, kilalang albularyo mula sa Gaddanan, San Mateo, Isabela.

Sa ulat na nakarating sa Camnp Crame, naganap ang insidente kaninang alas 6:30 ng umaga sa bahay ng suspek.

Bago ito, pinaniwalaang sinaniban ng masamang espiritu ang biktima at dahil hindi mapigil ang pagwawala at panlilisik ng mata ni Aquino kaya dinala ito ng kanyang pamilya kay Hernandez.

Sa pagnanais na mapalayas naman agad sa katawan ni Aquino ang masamang espiritung sumanib dito, sinuntok umano ni Hernandez sa tiyan ang biktima at sinakal ng panyo ang leeg.

Bukod pa roon, binuhusan din ng albularyo ng mainit na tubig ang katawan ng biktima hanggang sa mawalan ng malay at mamatay.

Natuklasan ng pamilya Aquino sa kawani ng punerarya na maraming pasa sa katawan ang biktima bukod pa sa paso rin sa katawan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply