Singil sa tubig, tataas simula sa Oktubre 7

SIMULA sa Oktubre 7, tataas ang singil sa tubig para sa mga residenteng sinisilbihan ng Manila Water.

Sa panayam kay Manila Water spokesman Jeric Sevilla, sinabi nito na itinaas ng water concessionaire ang kanilang singil sapagkat mas lumakas ang Japanese yen  laban sa piso. Ang loan payments ng naturang kumpanya ay sa yen.

“Effective Oct. 7, itong last quarter ng taon, magkakaroon tayo ng bahagyang adjustment sa foreign currency differential. Ito ay nagkakahalaga ng 8 centavos per cubic meter,” pahayag ni Sevilla.

Sinabi ni Sevilla na ang mga kostumer na magkokonsumo ng 20 cubic meters bawat taon ay kailangan ng magbayad ng P304 imbes sa dating singil na P303.

Ang mga magkokonsumo naman ng 30 cubic meters bawat buwan ay magbabayad na ng P619 imbes na  P617, dagdag pa nito.

Nilinaw ni Sevilla na binabalikat ng Manila Water ang ilan sa pagkakautang ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na ang denominasyon ay sa yen.

Habang lumakas ang piso laban sa US dollar, humina na man ito laban sa Japanese yen, dagdag pa ni Sevilla.

“Kaya ang net effect, bagama’t lumakas ang piso sa dollar, humina ito sa yen, mahigit 60 percent ng loans na binabayaran natin para sa quarter na darating ay tungkol sa yen, kaya nagkaroon siya ng upward adjustment,” paliwanag pa nito.

Sakop ng Manila Water ang eastern section ng Metro Manila, kabilang ang ilang bahagi ng Manila, Quezon City at Makati City.

Sa kabilang dako, sinabi ni Sevilla na magkaka pa sila ng isa pang pag-aaral sa peso’s foreign exchange rate laban sa dolyar at yen sa fourth quarter.

“Kung pareho mag-improve, maaring sa susunod na quarter magkaroon naman ng downward adjustment,” pahayag naman ni Sevilla.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply