Sinibak na CAAP opisyal, pinababalik sa puwesto ng SC

PINABABALIK na sa puwesto ng Supreme Court (SC) ang sinibak sa puwesto na si Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Deputy Director General for Operations Daniel Dimagiba.

Ang pagbabalik ni Dimagiba ay kaugnay sa pagbasura ng high tribunal sa petisyong inihain ng kasalukuyang pamunuan ng CAAP laban kay Dimagiba na itinalaga sa puwesto ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ng Korte Suprema na wala itong makitang mali sa desisyon ng Court of Appeals na una nang ipinag-utos ang pagbabalik sa puwesto ni Dimagiba.

Ayon pa sa Kataastaasang Hukuman, walang disciplinary authority ang director general ng CAAP para sibakin si Dimagiba.

Si Dimagiba ay sinibak ni CAAP Director General Ruben Ciron dahil sa grave misconduct, pag-isyu ng Air Carrier Operating Certificate sa Sky Aviation Services Incorporated at pag kolekta ng US$1, 500 sa kada
foreign student bago pirmahan ang kanilang certificate.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply