Sinibak na deputy Ombudsman pinababalik

INIUTOS na ng Supreme Court ang reinstatement o pagpapabalik sa puwesto kay dating deputy Ombudsman Emilio Gonzales.

Ito ay makaraang katigan via unanimous vote o paboran ng lahat ng mga mahistrado ng Korte Suprema na nagkaroon ng grave abuse of discretion ang Malakanyang nang magpalabas ito ng dismissal order laban kay Gpnzales noong nakaraang taon.

Sa boto namang 7-7 ay ibinasura ng SC ang pagkuwestiyon sa hurisdiksyon ng Malakanyang na magdisiplina ng deputy Ombudsman at mga special prosecutor.

Sa ilalim ng rules of court, kapag hati ang boto ng mga mahistrado ay mababasura ang petisyon.

Sa kanyang petisyon hiniling ni Gonzalez na pigilan ang pagpapatupad ng dismissal order ng Tanggapan ng Pangulo.

Ang dismissal order laban kay Gonzales ay nag-ugat dahil sa umano’y hindi agad niya pag-aksyon sa kaso ng hostage-taker na si Rolando Mendoza.

Nabatid na pinagbotohan ng SC ang nasabing kaso tatlong linggo na ang nakalilipas pero ang promulgated decision ay ngayong araw lamang ipinalabas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply