Sinibak na PDEA Dir. Gadapan, haharap sa Senado sa Lunes

HAHARAP sa Senado sa Lunes si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director for Operations Assistant Secretary Carlos Gadapan.

Ang itinakdang pagdinig ay kaugnay sa pagkakasibak kay Gadapan at alegasyon laban kay PDEA Director General Jose Gutierrez at asawa nito.

Ayon kay Gadapan, handa siyang iprisinta ang mga ebidensyang magpapatunay na lulong sa pagsusugal si Ginang Estrella Gutierrez.

Iginiit ni Gadapan na hindi siya sangkot sa anumang drug syndicate at nagtataka lamang siya kung bakit tila  may alam pa si Ginang Gutierrez sa mga sindikatong ito kaysa sa kanila gayung asawa lamang ito ng PDEA chief.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply