Sinibak na PDEA official ginisa sa pagdinig

NAGISA sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs ang nasibak na si dating PDEA Deputy Dir. Gen. Carlos Gadapan kaninang umaga.

Kinuwestiyon ni Senator Miriam-Defensor Santiago ang pag-alma ni Gadapan sa pagkakasibak nito sa PDEA.

Maging ang pagkakakaladkad ng pangalan ng misis ni PDEA chief Dir. Gen. Jose Gutierrez, kairingan ni Gadapan, ay pinuna rin ni Santiago.

Ayon kay Gadapan, lulong umano sa sugal ang misis ni Gutierrez at ginagamit umano ang posisyon ng kanyang asawa.

Sinabi ni Santiago na wala namang ebidensiya si Gadapan na may kinalaman ang pondo ng PDEA sa pribadong buhay ni Ginang Gutierrez.

Sinagot naman ito ni Gadapan at sinabing handa siyang iharap ang kanyang impormante.

Sa pagdinig, nabatid na nakikita umano si Gadapan sa casino base sa mga lumabas na video.

Depensa ni Gadapan na sa casino niya kinikita ang kanyang mga impormante at itinangging nagsusugal siya.

Tinanong din ng senadora ang nasibak na opisyal kung bakit ngayon lamang ito nagsalita ukol sa mga umano’y anomalya sa PDEA gayong tatlong taon na ito sa ahensya.

Salag naman ni Gadapan, nire-report umano niya sa kanyang mga superior kahit hindi siya nagsusumite ng reklamo.

Umalma lamang siya nang masibak sa PDEA dahil hindi umano siya nabigyan ng tiyansa na masagot ang mga isyu laban sa kanya.

Sa pagdinig sinabi naman ni Gutierrez na sinipa si Gadapan sa PDEA dahil “kinukuryente” umano nito ang operasyon ng ahensya laban sa mga drug syndicate.

“Gadapan provided secret intelligence information…his disclosure made him a security risk,” wika ni Gutierrez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply