Sinumpong ng epilepsy todas sa MRT station

NAMATAY ang isang lalaki habang paakyat sa hagdanan ng Metro Rail Transit sa Quezon

City kaninang tanghali (Setyembre 17) makaraang mabagok sa semento nang atakehin ng kanyang sakit na epilepsy.

Tinangka pang isalba ng medical personnels ang biktimang nakilala lamang sa pangalang Christian, 21, pero hindi nagtagumpay.

Naganap ang insidente alas-12:25 ng tanghali sa may hagdanan na patungong MRT station sa Quezon Avenue.

Sa kasalukuyan, hindi pa malaman ang naging sanhi ng pagkamatay ng biktima pero nakitaan ito ng seizure sa katawan.

Ayon naman sa kanyang kaibigan na ayaw magpabanggit ng pangalan,  si Christian ay may sakit na epilepsy.

Ayon naman sa Scene of the Crime Operatives personnel, maaaring inatake ng epilepsy ang biktima habang umaakyat sa hagdanan ng MRT at bumagok ang ulo sa semento na nagresulta sa kanyang kamatayan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply