Sinungaling na importer ng bigas inaresto

HINDI na napigilan ng mga senador ang pagkainis, ikinulong sa Senado si Cesar Ramirez, importer ng local rice makaraang mapatunayang nagsisinungaling ito sa imbestigasyon ng senate committee on agriculture kaugnay sa kontrobersiyal na smuggling sa Subic.

Sa pagdinig ng nasabing komite na pinamumunuan ni Senador Francis Pangilinan, hindi na pinakawalan si Ramirez, dahil sa hindi nito pagsasabi ng katotohanan na ikinagalit ng mga senador kaya’t tuluyan na itong inaresto ng Senate Sgt. At Arms.

Ayon kay Pangilinan, pag-usapan umano nilang mga senador kung hanggang kailan makukulong si Ramirez kasunod ng kanyang pagsumite ng karagdagang paliwanag sa komite.

Samantala, hindi agad nakulong ang isa pang na-contempt na Indian rice dealer na si Protik Guha dahil muli nitong inisnab ang pagdinig ng komite ngayong araw dahil umano sa masamang karamdaman habang nasa New Delhi.

Kasabay nito, humiling ang abogado ni Guha ng limang araw para magsumite ng motion for reconsideration laban sa contempt charges ng Indian rice dealer.

Matatandaan, napatunayang nagsinungaling si Guha sa komite matapos igiit nito na hindi para sa Pilipinas ang nasa 420,000 sacks ng bigas na nakapasok sa Subic.

Habang si Ramirez naman ay nahuling nagsisinungaling nang una nitong iginiit na hindi niya kilala si Guha samantalang mayroon silang kasunduan para mag-import ng bigas sa bansa.

Samantala, nanganganib na makulong din sa Senado ang isa pang negosyante na si Magdangal Diego Bayani III ng St. Andrews Field Grains and Cereal Trading dahil sa pagmamatigas nitong sabihin sa komite kung sino ang financiers ng kanilang negosyo.

Dahil dito, binigyang si Bayani ng komite ng limang araw para magpaliwanag kung bakit hindi siya patawan ng contempt at ikulong sa Senado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply