‘Sisid boys’ sa Alaminos ipagbabawal na

ALAMINOS, Pangasinan –  Ipinag-utos kamakailan ng Alaminos Tourism Office (ATO) na i-ban na ang mga miyembro ng “Sisid Boys” sa pag-dive sa Lucap Wharf  dahil nakasisira ito sa kalusugan lalo na sa mga bata pa.

Ayon kay ATO officer Miguel Sino, ang mga batang miyembro ng Sisid Boys ay sumisisid sa mga baryang itinatapon ng mga turista.

Ang city government ng Alaminos ay umapila sa sa mga turista na itigil na ang pagtatapon ng coins sa mga sisid boys para hindi na rin sila sisisid.

Sa pahayag ni Alaminos DSWD officer Elizabeth Rado, ang mga magulang ng mga sisid boys ay may  mga trabaho kaya hindi na nila kailangan maghanapa buhay sa murang mga edad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply