Sitio Electrification Program ni PNoy

MAHALAGA ang supply ng kuryente para sa lahat, maging anoman ang katatayuan sa buhay, mayaman o mahirap.

Kaya naman saludo tayo sa proyekto ni Pangulong Noynoy Aquino na mabigyan ng supply ng kuryente ang lahat ng pook sa bansa sa ilalim ng kanyang “Sitio Electrification Program.”

Ito Ang Totoo: Malaking ginhawa sa takbo ng buhay na may supply ng kuryente kahit ng mga nasa liblib na pook, kasama na ang mga magsasaka kahit pang-ilaw at pang-electric fan man lang.

Pero maraming sitio sa mga sulok-sulok ng bansa ang hanggang sa ngayon ay wala pa ring supply ng kuryente at may mga pagkakataong ang dahilan ay ayaw payagan ng ilang mayayaman na tawiran ng poste at kable ng kuryente ang kanilang lupang ari-arian.

Kaya nang mag-inspeksiyon si Zambales 2nd District Congressman Omar Ebdane sa Sitio Sinabacan at Sitio Babo sa Candelaria, Zambales, tiniyak niyang hindi mahahadlangan ang pagbibigay ng supply ng kuryente sa mga nakatira roon na may labing apat na poste na sa una at 15 naman sa huli ang nailatag.

Kabilin-bilinan ni Cong. Omar Ebdane, dapat ihanda maging ang mga trasformer na ginagamit para kayanin kahit lumobo pa ang bilang ng kabahayang nasa naturang mga sitio.

Maganda ang paninindigan nitong si Cong. Ebdane at masasalamin sa kanya ang pagiging anak ni Zambales Gov. Hermogenes “Jun” Ebdane, Jr., na arkitekto ng pagsulong ng Zambales at pag-arangkada ng Zambaleño na hindi pa nang-yari sa nakalipas na panahon. Ito Ang Totoo!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply