SLPA, binabantayan sa Silangan ng Katimugang Luzon

BINABANTAYAN na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang panibagong mababaw na namumuong sama ng panahon o Shallow low pressure area (SLPA) sa Silangan ng Katimugang Luzon.

Namataan ang SLPA sa layong 1,020 kilometro Silangan ng Katimugang Luzon na nakapaloob sa inter-tropical convergence zone (ITCZ).

Dahil dito, makaaasa ng mga pagbuhos ng ulan ang malaking bahagi ng Luzon at Visayas kabilang na ang Metro Manila.

Ang agwat ng temperatura naman sa kalakhang Maynila ay inaasahang aabot mula 23 hanggang 31 antas ng sentigrado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply