Smart Gilas babawi sa Lebanon

KAILANGAN ng Smart Gilas-Pilipinas na manalo ngayong gabi sa Lebanon upang hindi mapag-iwanan sa team standings sa Group A ng 4th FIBA-Asia Cup na ginaganap sa brand new Ota City Gymnasium sa Tok­yo, Japan.

Nalugmok ang Team Pilipinas sa kanilang unang laro kahapon ng dumulas sa kanila ang panalo laban sa China.

Angat ng walong puntos ang PHL team sa huling 6:32 ng laro subalit pinutakte ng kamalasan sa outside shooting ang Pinoy cagers kaya nanalo ang Chinese youth team, 68-71.

Mga batang players ang pinadala ng China subalit matatangkad na may 6-foot-8 average kasama ang tatlong 7-footers.

Nahabol ng nationals ang 11 points abante ng powerhouse China sa second canto ng hinigpitan ng Pinoy 5 ang kanilang pagbabantay kaya napuwersang magkalat ang kalaban.

Si Ranidel De Ocampo ang namuno sa scoring para sa Smart Gilas na may 11 habang tig-10 puntos sina Marcus Douthit at Larry Fonacier.

Samantala, ala-sais ng gabi sasabak ang Pilipinas sa two-time champion Lebanon.

Nakaharap ng tropa ni Chot Reyes ang mga Lebanese sa Jones Cup kung saan ay natalo sila 72-91.

Ang ibang bansa na nasa group A ay ang Macau at Uzbekistan.

Tinalo ng Lebanon ang Macau, 120-51.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply