Snatcher na pumitas sa kuwintas ng lola sa QC, tiklo

NAKUWELYUHAN ng pulisya ang isa sa dalawang kakakakihang na bukod sa pumitas sa kuwintas ng isang lola ay hinulog pa sa kalsada habang pasakay sa isang pampasaherong bus sa Quezon City nitong Linggo lamang.

Ang suspek na si Noli Felizardo, 28-anyos, ay kinasuhan na ng robbery with serious physical injury ni Quezon City Police District Station 7 commander P/Supt. Ramon Pranada, sa korte kaninang umaga.

Habang isinailalim naman sa isang operasyon sa St. Luke’s Hospital ang biktimang si Teodora Prudencio, residente ng Project 2 and 3, Quirino dakong alas-7:00 ng umaga sanhi ng pagkabali ng kanyang tadyang dahil sa pagkahulog sa kalsada.

Ayon sa biktima, bago ang insidente ay pasakay na siya sa isang pampasaherong bus sa Barangay Rodriguez, New York St., Cubao kahapon ng umaga nang biglang hablutin ng dalawang snatcher ang kanyang kuwintas.

Pero dahil nahirapang tanggalin, halos sinakal na siya ng isa sa mga suspek kaya nahulog siya mula sa estribo papuntang kalsada.

Sa ospital, naibigay ng biktima sa mga imbestigador kung ano ang itsura ng isa sa mga suspek kaya ikinasa agad ang follow-up operation at natiklo si Felizardo sa loob ng isang palengke sa Edsa.

Positibo namang kinilala si Felizardo ng biktima matapos ipakita ang litrato nito.

Sa kasamaang palad, wala na kay Felizardo ang kuwintas ng biktima at hinihinala na ito’y nasa sa kasamahang tumakas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply