Sobrang singil sa kuryente, ipinasususpindi

IPINASUSUSPINDI ng Bayan Muna sa gobyerno ang sobrang paniningil sa kuryente na umaabot na ng labintatlo punto anim na bilyong piso para sa mga customer ng Meralco.

Ayon kay Bayan Muna congressman Teddy Casino, napapanahon nang suspindihin ang Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation o PSALM.

Sa pagdinig para sa badyet ng Energy Regulatory Commission o ERC , siniguro ni chairperson Zenaida Cruz-Ducut na magkakaroon ng refund sa mga biktima ng overcharging.

Subalit sinabi rin ni Ducut na kwekwentahin pa nila kung magkano ang balik-bayad sa mga indibidwal na consumer at wala rin itong maibigay na takdang panahon kung kailan maibibigay ang pera.

Umaasa si Casino na seseryosohin ng ERC ang kanyang panukalang suspensyon ng PSALM at gagawing mabilis ang balik-bayad sa mga consumer.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply