Sorsogon niyanig ng 3.5 magnitude na lindol

NIYANIG ng 3.5 magnitude na lindol ang Prieto Diaz, Sorsogon kaninang umaga, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs dakong 11:28 ng umaga kanina nang maramdaman ang pagyanig sa Silangan bahagi ng Prieto Diaz, Sorsogon.

Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 021 kilometro.

Wala naman iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa naturang lindol.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply