Sorsogon Today editor, sinugod ng kontraktor

SINUGOD ng isang kontraktor na kapatid ng isang alkalde sa lalawigan ng Sorsogon ang isang mamamahayag na nagsulat ng isang expose tungkol sa proyekto ng kontraktor.

Sinugod at sinaktan ni Joseph “Nono” Yap III ang mamamahayag at patnugot ng Sorsogon Today na si Roberto “Bobby” Labalan nitong nakaraang linggo at sinabi sa lokal na lenggwaheng “Bakit mo ako tinitira sa dyaryo?”

Ang naturang atake ay ginawa ni Yap laban kay Labalan sa presensya umano ni Sorsogon Governor Raul Lee na walang ginawa o nagawa sa mga oras na iyon.

Si Yap ay kapatid ni Prieto-Diaz, Sorsogon Mayor Jocelyn Yap-Lelis at naiulat na palaging nakakakopo ng malalaking proyekto sa probinsiya.

Si Labalan ay Presidente ng Sorsogon Media Forum at fellow ng Graciano Lopez Jaena Journalism Workshop ng University of the Philippines College of Mass Communication.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply