Special prayer sa mga guro, ipinalabas ng CBCP

ISANG espesyal na panalangin ang ipinalabas ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa mga guro bilang pagdiriwang sa National Teachers Month.

Ayon kay Monsignor Joselito Asis, CBCP secretary general, ang “National Prayer for Teachers” ay nakatakdang basahin sa lahat ng misa sa lahat ng simbahan sa buong bansa sa Setyembre 30.

Ang naturang panalangin na inaprubahan ng Permanent Council ng CBCP ay humihingi ng biyaya ng Panginoon para sa mga guro, dahil sa kanila umano nakasalalay ang kinabukasan ng mga kabataan.

Sa nasabing panalangin ay hihilingin din na ipagpatuloy ng lahat ng mga guro na maipaabot ang pagmamahal para sa katotohanan at maitatak sa mga kabataan ang tunay na moral values.

Nabatid na nagpalabas ang CBCP ng panalangin bilang tugon sa kahilingan ni Metrobank Foundation, Inc. president Aniceto Sobrepeña sa CBCP na makibahagi para sa kanilang adbokasiya para sa mga guro.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply