SSS office sa UAE pormal nang binuksan

PORMAL nang pinasinayaan ang tanggapan ng Social Security System (SSS) sa Dubai, United Arab Emirates (UAE) para sa kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs).

Pinangunahan ni SSS President Emilio De Quiros Jr. ang riboon cutting sa ginanap na simpleng seremonya sa tanggapan ng Consulate General.

Dumalo sa seremonya ang mga opisyal at staff ng embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi, Consulate General sa Dubai, Philipine Overseas Labor Office at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sinabi ni De Quiros na malaking tulong sa mga OFW ang pagbubukas ng SSS sa naturang bansa para sa mas mabilis na pagpoproseso ng kanilang transaksyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply