STL employees niratrat, 1 tigbak, 1 sugatan

SABOG ang ulo ng isang empleyado ng Small Town Lottery (STL) habang sugatan din ang kasamahan nito sa trabaho nang pagbabarilin ng dalawang lalaking sakay sa motorsiklo sa Lipa City, Batangas nitong Martes ng gabi, ayon sa ulat ng pulisya.

Sinabi ni Supt. Christopher Birung, Lipa City police chief, na ang biktimang si Mel Mendoza ay namatay agad habang isinugod naman sa San Antonio Medical Treatment sa Lipa City sanhi ng dalawang tinamong tama ng bala sa kanang braso ang isa pang biktima na si Liwenlindo Vergara, isa rin na empleyado ng STL.

Tumakas naman agad sakay sa kanilang hindi naplakahang motorsiklo ang mga suspect patungong Barangay Sabang, Lipa City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 9 nitong Martes ng gabi sa isang bisinidad sa H. Latorre Street, sa Barangay 10.

Sinabi ni Birung na bago ang pamamaril, pauwi na ang mga magka-opisina at naglalakad sa naturang lugar nang sa hindi pa malamang dahilan ay pinagbabaril ng mga suspect.

Bagama’t sugatan, nakaganti pa aniya ng putok si Vergara pero hindi naman masabi kung tinamaan ang isa sa mga suspect

Blangko pa ang pulisya sa motibo ng pamamaslang pero malaki ang kutob na may kaugnayan sa trabaho ng mga biktima ang nasbaing pagatake.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply