Sto. Domingo Church sa QC idineklarang national cultural treasure

INIHAYAG ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na sa Oktubre 4 ay opisyal nang idedeklara ng National Museum bilang National Cultural Treasures ang Sto. Domingo Church sa Quezon City, gayundin ang mga liturgical objects nito.

Ayon sa CBCP, sinabi umano ni Fr. Clarence Victor Marquez, director ng Institute of Preaching, na kasabay ng naturang okasyon ay isasagawa rin ang tradisyunal na enthronement ceremonies ng canonical image ng Nuestra Señora del Rosario, La Naval de Manila.

Sa isang artikulo, sinabi ng CBCP na ang naturang simbahan ay hindi lamang isang cultural treasure dahil ito’y kanlungan din ng mga mahihirap na pamilya matapos na dito magtungo ang maraming pamilya na sinalanta ng malakas na ulan at pagbaha sa Metro Manila kamakailan.

Nabatid na ang orihinal na istruktura ng simbahan, na may gothic design, ay dating matatagpuan sa Intramuros, Manila at pinamamahalaan ng mga Dominikano.

Muli itong itinatatag matapos na mag-collapse noong 1589 at ginawang kongkreto.

Taong 1960 nang ilipat ito sa Quezon City matapos na magtamo ng matinding pinsala dahil sa World War II at naging bagong national shrine ng Our Lady of the Holy Rosary of La Naval de Manila.

Dahil accessible sa maraming residente ng lungsod, ang naturang simbahan ay naging “melting pot” ng mga deboto mula sa iba’t ibang lugar.

Noong Disyembre 1971, nilikha ang autonomous Philippine Dominican Province at ang simbahan ay inilagay na sa ilalim ng pangangasiwa ng mga Filipino Dominican priest.

Pebrero 23, 1972 naman nang ideklarang parish church ang Simbahan ng Sto. Domingo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply