Storm signal No. 2, itinaas na sa Northern Luzon

SIGNAL number 2 na sa apat na lalawigan sa dulong hilagang Luzon sa patuloy na paglapit sa kalupaan ng super typhoon “Lawin”.

Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Authority (PAGASA),  huling namataan  ang sentro ng bagyo sa layong 465 kilometro sa silangan ng Tuguegarao City.

Taglay ni Lawin ang lakas ng hangin umaabot sa 205 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pabugsong 240 kilometro kada oras.

Tinatahak nito ang direksiyong pahilaga-hilagang-kanluran sa bilis na 11 kilometro bawat oras.

Dahil dito, itinaas na ang signal No. 2 sa mga lalawigan ng Batanes Group of Islands, Cagayan, Calayan at Babuyan.

Habang signal No. 1 naman ang mga lugar ng Ilocos Norte, Kalinga, Apayao, Abra at Isabela.

Sa Miyerkules ng gabi, ang bagyong Lawin ay inaasahang nasa layong 355 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan at sa Huwebes ng gabi ito ay tinatayang nasa layong 90 kilometro timog-silangan ng Basco, Batanes.

Pinag-iingat ngayon ng weather bureau ang mga nakatira sa mabababa at bulubunduking lugar na sa ilalim ng signal number one na maging alerto sa posibleng pagguho ng lupa o pagbaha.

Pag-iibayuhin din ng bagyo ang southwest moonson na siyang magbibigay ng pag-uulan sa southern Luzon at Visayas.

Ipinagbabawal din ng Pagasa ang pagpalaot ng mga sasakyang pagdagat lalo na sa bahagi ng northern at eastern seaboards ng Luzon, seaboards ng Visayas at eastern seaboard ng Mindanao dahil sa posibleng paglakas ng alon dulot pa rin ng bagyong Lawin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply