Strike ng kabataan, hindi natinag sa gitna ng masamang panahon

SA kabila ng masamang panahon, hindi natinag ang mga estudyante at organisasyon sa isinasagawang protesta sa buong bansa laban sa lumalalang krisis di makatwirang polisiya at komersiyalisadong porma ng edukasyon sa ilalim ng rehimeng Aquino.

Dinaluhan ng mga delegado mula sa mahigit sampung eskwelahan sa Metro Manila ang private school caucus noong Setyembre 19, sa College of St. Benilde upang talakayin ang kasalukuyang estado ng kabataan sa ilalim ng administrasyon Aquino.

Kabilang sa mga dumalo ang Far Eastern University, University of the East, University of Sto. Tomas, DeLasalle University, College of St. Benilde, San Beda College, Philippine Womens University, STI Taft, New England College at marami pang iba. Tampok sa mga naging usapin ang walang puknat na pagtaas ng matrikula at ang pagiging inutil ng pamahalaan upang pigilan ito, nagkaroon din simbolikong protesta matapos ang programa ng mga mag-aaral. Inaasahang makikiisa ang lahat ng nabanggit na paaralan sa malakihang pagkilos ng kabataan sa ika-21 ng Setyembre bilang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng batas militar.

Samantala, nagkaroon naman ng hiwa-hiwalay na ‘Group Discussion’ sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Kalakhan sa mga dumalo ay nagsipaglabas pa sa kanilang klase upang pag-aralan ang kasalukuyang kalagayan ng kanilang unibersidad at ang kampanya tungong People’s University of the Philippines.

Matapos ang maghapong ‘discussion’ ay dumalo naman sila sa cultural night na pinangunahan ng ‘kilometer 64 literary collective at kamanyang PUP’ sa ilalim ng Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan o SAMASA alliance, dominanteng partido pulitikal sa loob ng pamantasan.

Patuloy naman ang barikada sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman kaugnay ng kampanyang ibasura ang Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP) at i-rollback ang kanilang matrikula. Sa kasalukuyan ay nakapako sa 1500 per unit ang matrikula para sa mga estudyanteng pasok sa Bracket A, bukod pa dito ang iba pang bayarin tulad ng Miscellaneous fee, libro atbp.

Kinundena naman ng CEGP Visayas sa pangunguna ni Karl Doceo, CEGP Vice President for Visayas ang lumalalang paglabag sa karapatang pantao at militarisasyon sa bansa.

Ayon kay Doceo, “Walang pinagkaiba ang Administrasyong Arroyo at Aquino, sa kasalukuyan, patuloy paring nakakaranas ng military harassment ang marami sa mga lider estudyante at mamamahayag pangkampus”, patuloy paring nangunguna ang Armed Forces of the Philippines pagdating sa paglabag sa karapatang pantao. Ayon sa datos ng karapatan, 99 na extrajudicial killings at 11 kaso ng sapilitang pagdukot na ang naitatala sa mahigit dalawang taong panunungkulan ni Noynoy.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply