Subpoena vs Ex-CJ Corona, ihahain ng DOJ

MAGPAPADALA na ngayong araw ang Department of Justice (DoJ)  ng subpoena laban kina dating Chief Justice Renato Corona, anak na si Maria Carla Beatriz-Castillo at asawang si Dr. Constantino Castillo III kaugnay sa kasong tax evasion case na kanilang kinakaharap.

Ayon sa panel of prosecutors, sa Setyembre 25, ganap na alas 2:0 ng hapon itinakda ang unang pagdinig sa multi–purpose hall ng DoJ.

Pangungunahan naman nina Senior Assistant State Prosecutor Roseanne Balauag bilang chairperson, at miyembro naman sina Prosecution Atty. Roland Estepa at Atty. Javee Laurence Bandong ang preliminary investigation .

Ang kaso ng pamilya Corona ay kaugnany sa inihaing tax avasion case ng BIR nang matuklasan na hindi umano magkatugma sa kanilang tax return ang idineklarang kita kumpara naman sa mga idineklara niyang mga pag-aari sa kanyang statement of assets, liabilities and networth o SALN.

Hinahabol ngayon ng gobyerno mula Corona ang kabuuang P120.5 milyon utang sa buwis habang nasa mahigit P30 milyon naman ang tax liability ng mag-asawang Castillo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply