Subsidy para sa kidney transplant itinaas ng Philhealth

PARA sa tunay na pakinabangan, itinaas ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang pagbibigay ng subsidiya sa kidney transplant para sa mga myembro nito na nasa end-stage na ng renal disease.

Ayon kay Philhealth President at Chief Executive Officer Dr.Eduardo Banzon, babalikatin nila ang buong gastos sa kidney transplant na aabot hanggang P600,000.

Nabatid na ang subsidiya ng Philhealth ay kapalit nito ang premium contributions ng mga myembro na hindi bababa ng P2,400 kada taon o P7 kada araw sa pagpasok ng 2013.

Layunin ng subsidiya na mabigyang pag-asa ang mga miyembro at dependents ng Philhealth na hindi na nag-aalala kung saan kukunin ang pambayad sa kanilang operasyon.

Batay sa National Renal Disease Registry, nasa 12,000 mga Pilipino ang nagkakaroon ng kidney failure kada taon o 120 na tao sa bawat 1 milyong populasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply